Saturday, September 14, 2019

101 days until Christmas 2019...

Ayun na. Nagsimula na. Pumasok na ang inaabangang 'Ber months. Pinakamahaba ito kase 4 na buwan ang may 'Ber. Hudyat sa paparating na muling kapaskuhan. Medyo may mga bagyo at pag-ulan pa rin pero halos lahat excited na. Kabi-kabila ang mga post sa social media ng mga tungkol sa Pasko; mga singer, mga kanta, mga palamuti, mga panghanda at iba pa na makikita lang tuwing sasapit ang Pasko. Lahat nabubuhayan, nagkakaroon ng pag-asa dahil Pasko muling sasapit. Anupa't walang ibang makikita kundi kasiyahan. Masigla ang lahat habang unti-unting lumalapit sa pagdiriwang ng dakilang araw. Halos isandaang araw na lang at lalong bibilis pa 'yan...


No comments:

Post a Comment