Wednesday, May 31, 2017

Christmas in June?

Wow, bilis talaga ng panahon.Parang kailan lang ang Pasko at Bagong Taon, Valentine, Holy Week at mga piyesta. June na. Ibig sabihin tapos na ang bakasyon dahil ilang araw pasukan na naman. At syempre, ang Tag-init ay magiging Tag-ulan na. Bagamat mainit pa rin kapag hindi umuulan, pati mga pangyayari dyan sa Mindanao ay mainit din na kung saan ay idineklara ang Martial Law. Syempre sa susunod na buwan, dadako na sa 2nd half ng taon at ilang tulog na yan, Ber months na naman. Nawa e palakasin pa at bigyan ng magandang kalusugan ang bawat isa sa atin. Christmas in June dahil ayon dito e Hunyo daw pinanganak si Jesus Christ talaga ayon sa kanilang pananaliksik. Well, wala talagang nakakaalam kung kailan. Kayo ba gusto nyo, June ang Pasko? Jesus was born June 17, scientists say.