Friday, November 30, 2018
25 days `til Christmas 2018
Oh ayan, Disyembre na bukas. Naku naman ang bilis talaga ng panahon. Halos hindi na natutulog ang 25 days na iyan. Tuluy-tuloy nang mapipilas hanggang sumapit ang Araw ng Pasko. Bakasyon na pagkatapos ng Christmas party ng mga bata sa iskwela. Syempre sa mga opisina din at iba pa, my party-party rin. Mas lumalamig na ang simoy ng hangin at maamoy mo na naman ang bibingka at puto bumbong na niluluto nito lalo pag nagsimula ang Misa de Gallo ng Disyembre 16. May mga bata na ngang nangangaroling agad na kahit papano lang ang pagkanta at walang instrumentong dala. Samantala, Bonifacio Day muna ngayong Nobyembre 30.
Saturday, November 24, 2018
1 buwan na lang!!!
Ayan na, `eto na...Sumapit na ang final countdown. Eh kase isang buwan na lang Pasko na. Mas lalong bibilis na malalagas ang mga araw. Busy na ang karamihan lalo kapag Sabado at Linggo. Puno na ang mga pamilihan lalo yung mga may murang paninda. Mga laruan, damit at kung anu-ano pang bagay-bagay na pwede ipamigay lalo sa mga batang mamamasko. Lalo sa mga tumanggap na ng bonus at meron na maipambili lalo ng panghanda. May mga nag-aabang na rin ng mga palabas sa sine o mga display sa mall na may kaugnayan sa Kapaskuhan. Kaysaya talaga kapag sumasapit ang ganitong panahon. Lamig ng simoy ng hangin, mga dekorasyon at palamuti, mga regalo at handa tuwing sasapit ang paggunita sa kapanganakan ng Panginoong Hesukristo.
Wednesday, November 14, 2018
40 days na lang, Christmas 2018 na...
Hello po ulit! Ilang tulog na lang talaga ito. Mahigit isang buwan na lang at sasapit na ang Pasko. Nakapagsimula na po bang mamili nang paunti-unti para sa handa at mga panregalo? Kapag ganito nga naman na taghirap e hindi maiwasan ang last minute shopping lalo kung wala pang mapagkunan. Talagang lumalakas na ang amihan, `wag lang sana manalanta ang mga papalapit na sama ng panahon na namumuo sa karagatan dahil mukhang bandang Visayas at Mindanao ang maaapektuhan. Naka-ready na ang mga christmas decoration sa bawat bayan at tahanan na nagbibigay liwanag sa pagsapit ng gabi. Mga magagarang christmas light at christmas tree na pagkataas-taas. Gustung-gusto ng mga bata ang ganito lalo kung may snow pa, na meron sa ibang pasyalan. Syempre inaabangan din ang mga mauusong kanta lalo yung station IDs sa telebisyon. At hindi rin mawawala ang Christmas bonus na talaga naman pinakahihintay, hindi ba Aegis?
Saturday, November 10, 2018
It's 44 days to go `til Christmas 2018
Yes! Kumusta na mga bata? Tapos na ang Undas, ang mga halloween party at trick or treat. Lumipas na rin yung bagyo na dumaan nung mga huling araw ng Oktubre. Patuloy ang paglamig ng simoy ng hangin sa gabi at madaling araw. Mahigit isang buwan na lang at sasapit na ang Kapaskuhan. Marami nang tindang laruan na talaga namang pinagkakaguluhan at iniiyakan ng mga bata lalo kapag hindi nabili. Nandyan pa rin syempre ang mga kadalasang hanap ng mga bata gaya ng baril-barilan, kotse-kotsehan, mga robot, manika at iba pa. Excited na talaga ang lahat sa pagsapit ng Pasko. Lalo pag pumasok na ang buwan ng Disyembre, hindi na magkanda-ugaga. Pagkatapos ng Christmas party, bakasyon na. Simbang gabi at misa de gallo ang inaabangan hanggang sa sumapit ang mismong araw. Mabenta rin ang bibingka at puto bumbong. Kabi-kabilang ang handaan at mga regalong binibigay. Tunay na ang Pasko ay napakasaya kasabay ng pag-awit ng mga nangangaroling sa bahay-bahay.
Subscribe to:
Posts (Atom)