Wednesday, September 27, 2017

88 days `til Christmas (2017)

Oh..excited na ba kayo? Nung last post ko 99, ngayon 88 na lang. Naghahanap ako ng Otso Otso Pasko sa Youtube pero wala makita. Yung videoke version lang ba yun kaso hindi maganda ang audio. Sakto sana kung yun ang featured song dahil nga sa 88 days na lang. Next week, October na. Pangalawang Ber month at syempre, Oktoberfest. Babaha ng beer...wow! May mangilan-ngilang bagyong dumaraan sa Pilipinas pero buti hindi ganon kalakasan. Yun lang talaga e binabaha ang ilang lugar kahit kaunting ulan lang. At dahil walang video ang Otso Otso Pasko, eto ang audio. Pakinggan n'yo...



Saturday, September 16, 2017

99 days na lang...

Hohoho...It's 99 days `til Christmas. Ang bilis talaga no? Kahapon lang 100 pero eto na nabawasan ng isa. Ilang tulog na lang yan. Ano nga ba ang naghihintay sa 99 na araw bago muling ipagdiwang ang kaarawan ng Tagapagligtas? Kumusta na mga bata? Ano ba ang inyong gustong matanggap ngayong Kapaskuhan? Maalala ko pa dati ang pagsasabit ng medyas sa pinto tuwing Dec. 24. Magkakasya kaya dun ang mga ibibigay ni Santa Claus? Kaya lang madalas mga pagkain lang naman ang laman. Tapos kapag 25 na, pagkasimba ay nakaabang na sa labas ng bahay yung ibang mga bata at hinihintay dumaan ang kanilang mga Ninong at Ninang. Maswerte na kung may 20 o 50 pesos na malutong na ibibigay noon. Lalo pa pag 50 o 100 pesos. Palakihan pa nga ng mga natanggap ang mga bata. Tapos kinahapunan o kinabukasan, kanya-kanyang bili ng laruan. Madalas e baril-barilan o kaya mga sikat na cartoon character nung araw kagaya ng Transformers o G.I. Joe. Ay naku, ang sarap balikan ang pagkabata na parang ambilis lang dumaan. At dahil pumasok na nga ang Ber months, isa sa inaabangan syempre si Jose Mari Chan. Siguradong bebenta na naman ang kanyang mga Christmas album kagaya ng Christmas In Our Hearts saka Going Home To Christmas.


Friday, September 1, 2017

1st Ber Day 2017

Ayun oh...sumapit na unang araw ng Setyembre. Bagamat ang unang araw na ito ay Feast of Sacrifice ng mga kapatid na Muslim, ito na ang hudyat ng Kapaskuhan. Nandyan na yung may mga dekorasyong pamasko kang makikita sa paligid. Luma man o bago, basta mag-iiba ang simoy ng hangin. Magiging masaya ang kapaligiran. May parang kung ano na magdudulot ng sigla sa bawat isa. Lalo na kung makakarinig ka pa ng Pamaskong Awitin mula sa kapitbahay o mismong sa inyong tahanan. Iba talaga ng dulot ng Kapaskuhan. Kahit maraming problema o puno ng pagsubok ang buhay, pag sumapit na ang Ber Months, pilit kakayanin ang lahat hanggang makaraos at umabot sa Panibagong Taon. Kaya eto para sa ating lahat, ang Simula ng Pasko...