Friday, August 2, 2019

Close to `Ber

Well, August na at sabi nga nila isang buwan na lang. Yun nga lang, tuloy-tuloy ang pag-ulan nitong mga huling araw ng July hanggang pagpasok ng August (bakit nga ba?) dahil sa mga sunod-sunod na nabubuong sama ng panahon sa Western at Eastern part ng bansa lalo sa Luzon. Marami ang mga naging pagbabago simula pumasok ang July. Tingnan nyo na lamang sa Maynila. Ang sunod-sunod na clearing operations at paglilinis ng mga dating marumi at halos mabagal daanan na kalsada. Ngayon maganda na at maraming pumupuri at nagsisilbing halimbawa na rin sa iba. Nakakatuwang makita ito lalo pagpasok ng Ber months. At syempre hindi maiwasan ang mga post pa rin na malapit na nga. Kung una ay si Jose Mari Chan lang. Ngayon naman kasama pa nya pati si Ariel Rivera...(ctto)





No comments:

Post a Comment