Saturday, December 14, 2019

Simbang Gabi 2019

Pasimula na ng Simbang Gabi (sa gabi) o Misa de Gallo (sa madaling araw). 9 na araw na sunud-sunod ang pagsisimbang ito at matutupad umano ang wish kapag nakumpleto ito. Well, ang mahalaga siguro eh manampalataya. Magdasal at gumawa din para matupad ang minimithi sa buhay. Kabi-kabila na mga Christmas party at mga aktibidad tuwing Kapaskuhan. Wala na ring sama ng panahon na namamataan bagama't may mga lindol pa ring naitatala. Sana maisama nila sa wish nila ngayong papalapit na Pasko ang mga kalamidad na iyan. Get ready na po sa nalalapit na Kapaskuhan. Nakapamili na ba ng panghanda at mga panregalo?