Sunday, December 23, 2018
Noche Buena na...
Yes! Ito na, oras na lang ang binibilang para ipagdiwang ng Pasko. Pagpatak ng alas-dose, noche buena na...kainan na. Kuhaan na ng regalo sa ilalim ng Christmas Tree. May magsasabit pa pala ng medyas o baka loot bag na ngayon para sa ilalagay ni Santa Claus na regalo. Pasko na, Pasko na...Pasko na namang muli...
Saturday, December 22, 2018
2 araw na lang...
Naku, eto na. Dalawang araw na lang at sasapit na. Nagdaratingan na ang mga bakasyunista pauwi sa probinsya. Mga galing abroad o sa siyudad. Iba kase dito ang pagdiriwang ng Kapaskuhan. Basta nga nag-Ber months na e simula na ng countdown. At ngayon, halos oras na lang ang binibilang. Busy ang lahat bagama't sabi nga hindi dapat kalimutan ang tunay na diwa ng Pasko. At muli, meron o wala; malungkot o masaya; kalimutan muna ang problema sa panahong ito. Malay mo, dumating din ang solusyon basta magtiwala at manalangin lang.
Saturday, December 15, 2018
9 days to go...
Sino ang napuyat o sino ang hindi agad nagising ng maaga kanina? Opisyal nang nagsimula ang Simbang Gabi at Misa de Gallo. Kumusta ang mga naka-japorms? Sigurado bang nagsimba o nagtingin-tingin lang sa tabi-tabi? Ready na rin bang mangaroling para may paghati-hatian bago mag-Pasko? Nakapagpractice ba ng mabuti para hindi "patawad" o kaya ay ipahabol sa aso pagkatapos kumanta? Iba talaga ang kapaligiran kapag ganitong mga pahanon. Parang ayaw nang matulog dahil ilang araw na lang talaga e sasapit na ang Pasko. Nag-aabang na ang mga bata sa matatanggap na regalo sa kanilang Santa Claus o sa kanilang mga Ninong at Ninang. Pasko, Pasko...Pasko na namang muli...
10 days `til Christmas 2018
Sampung araw na lang, Pasko na. Magsisimula na ang Simbang Gabi at Misa de Gallo. Tapos na karamihan ng Christmas party sa mga paaralan. Bakasyon na ng mga bata kaya't siguradong dadagsa ang mga ito sa mga pamilihan at pasyalan ngayong sasapit na linggo. Mas lalamig pa ang simoy ng hangin. Meron man o wala. Masaya man o hindi. Ang Pasko ay sasapit pa rin. Bitbit ang pag-asa at panibagong simula hanggang sa bagong taong paparating. Maiba naman tayo, panoorin natin itong video, actually 4 parts ito, from Sen. Rick Reed tungkol sa pagdiriwang ng Pasko dito sa Pilipinas.
Tuesday, December 11, 2018
2 weeks na lang...
Yes! Next, next Tuesday eh Pasko na, December 25. Kabi-kabila na ang mga pailaw sa kalsada pati kainan at activities na pang-Pasko. Ano na ang mga naipon, mula sa handa hanggang sa panregalo? Kung wala pa naman eh may ilang araw pa. Sa Sabado na ang simula ng Simbang Gabi at sa Linggo naman yung Misa de Gallo. Kapag nagsimula na `yan, lalong bibilis ang takbo ng mga araw. Buti na lang at wala nang pasok mga bata nun dahil Christmas party week na nila ngayon. Sino kaya ang makakakumpleto ng Simbang gabi o Misa de Gallo? Mula sa Grin Department, ito ang "Ber"...
Subscribe to:
Posts (Atom)