Saturday, November 30, 2019

December 2019

Hohoho... Unang araw ng Disyembre at kay bilis na panahon. Ilang bagyo at mga kalamidad ang naranasan nung mga nakaraang buwan, tapos eto na... Biruin mo yun, nasa 24 days na lang at sasapit na ang Kapaskuhan. Napalitan n'yo na ba ng Disyembre ang buwan ng inyong kalendaryo? Linggo ang unang araw, kaya ooops, may Friday the 13th. Pero balewala yan. Abala na ang karamihan sa mga nalalabing araw bago sumapit ang Pasko. Buti ang pasok sa eskwela magtatapos na ng 13. Sakto ang mga estudyante't mag-aaral mukhang makakabuo ng 9 na Simbang Gabi. Sunud-sunod na mga Christmas party nyan at iba't iba pang mga aktibidad kapag sumasapit ang ganitong panahon. Malamig na ang simoy ng hangin pero may sama ng panahon pang paparating. Sana last na itong si "Tisoy" pero kawawa ang mga madadaanan. Pero tuloy pa rin ang pagsapit ng araw kahit na ano pa yan, ang araw ng Pasko. Ang simbolo ng pag-asa sa mga pinanghihinaan ng loob tungo sa pagsapit ng Bagong Taon. 2020 malapit na kaya't atin ring paghandaan. Makinig muna tayo ng ilang awiting Pamasko...







No comments:

Post a Comment