Linggo at karamihan nasa tahanan lang. Kaninang umaga medyo mainit ang sikat ng araw, tamang-tama sa mga naglaba. Pero ngayon na hapon na, medyo makulimlim at malamig ang simoy ng hangin. Parang inaasam mo na amihan na ang umiihip para magbigay ng kakaibang sigla sa atin sa kabila ng pandemya. At magpatugtog ng mga awiting pamasko habang hinahanda ang mga dekorasyong muling ipapalamuti sa buong tahanan. Christmas tree, parol, christmas light at iba pa. Masaya talaga ang ganitong tanawin...
Sunday, September 19, 2021
Wednesday, September 15, 2021
100 days`til Christmas 2021
Eto na ang lalong magpapabilis ng takbo ng araw, ang pagsapit ng 100 days tungo sa Pasko. Lalong nakaka-excite sana kung wala nang pandemic. Yung mga panahon na kabi-kabila ang nagtitinda at halos hindi mahulugan ng karayom ang kahabaan ng Carriedo St. sa Maynila. Mga laruan, damit, prutas, cd, dvd at marami pang ibang mabibili na pasok sa iyong budget. Hay naku, eh kase magpa-Pasko... Panoorin nga natin ito, maikling documentary tungkol sa history and origins ng Christmas traditions.
Wednesday, September 1, 2021
Ber Months Na 2021!!!
Eto na...Ang lalong pagbilis ng mga araw, ang pagpasok ng Ber months. Mga kabi-kabilang memes ni Jose Mari Chan ang makikita sa social media. Sa kabila ng patuloy pa ring pandemya at pagdami ng mga kaso, narito nagpapahiwatig ang Pasko. Hatid ay bagong pag-asa sa bawat isa. Sa dami ng pagsubok nitong mga araw na nagdaan, ang huling apat na buwan ang kapana-panabik. Sana nga maging okay na ang pagpasok ng susunod na taon. Bagamat may kulang na, kailangan pa rin magpatuloy... Ito mula sa Pasko (Christmas) na album para sa inyong lahat...