So ayun, nasa 2021 na tayo at ngayon lang uli nakapagpost. Biruin mo nangangalahati na agad ang taon. July na...So ayun na nga, nanonood ako ng TV nitong umaga at sa aking paglilipat, nakita ko palabas sa isang channel ang How the Grinch Stole Christmas na bida si Jim Carrey. Naalala ko tuloy yung isang nakita ko sa isang blogspot din ang nakalagay, "Christmas in July". Sabagay ilang buwan na lang, Ber months na naman. Andami rin post sa Facebook na nagpapakita ng mga picture at drawing tungkol sa Pasko, lalo yung may mga snow sa paligid. Kaya ito hinanap ko yung isa sa soundtrack dun sa movie ni Jim Carrey nung year 2000, Where are you, Christmas?...