Saturday, November 26, 2016

28 days `til Christmas (2016)

Ilang araw na lang ang nalalabi sa buwan ng Nobyembre at patuloy na lumalamig ang simoy ng hangin. Wala nang isang buwan at eto na!!! Sympre papalapit na rina ng 2017. Ano kaya ang kapalarang naghihintay sa bawat isa sa atin sa  Bagong Taon? Pero dito muna tayo sa Paskong papalapit. Maliwanag na ang kapaligiran tuwing gabi sa iba't ibang palamuting nagbibigay kulay at saya kapag sumasapit ang ganitong panahon. Kaya wala akong ibang masasabi kundi, We wish you a Merry Christmas, Happy New Year na rin...Eto na from Blanktape...


Monday, November 7, 2016

47 days `til Christmas

Kumusta po ang lahat. Ambilis talaga ng araw. Biruin mo 47 days na lang ang nalalabi at Pasko na. At syempre Bagong Taon na din. Umiihip na ang Hanging Amihan pagkatapos ng ilang bagyong nagdaan pati ang Undas. At dahil Nobyembre na, sa susunod na buwan ay Disyembre na. Unti-unti nang kumukulay ang mga tanawin lalo pag gabi. Masarap sanang maglakad-lakad sa siyudad kapag ganitong mga pagkakataon. Pasyal-pasyal din ngayong Christmas time...