O `eto na, September na.. Simula na ng inaabangang `Ber Months. Panay na ang litaw ng picture ni Jose Mari Chan na lalabas na raw sya. At yun nga, sa Morning Show sa Tv ay may kinanta na sya. Bagamat may Covid-19 pa rin at marami ang nagpopositibo, may mga gumagaling naman. Sana eh humupa na ang epekto ng pandemyang ito bago sumapit ang Pasko. Mahigit 100 days pa naman pero mabilis na lang iyan. Ilang na tulog na lang at sasalubungin na natin ang Pasko.