Saturday, October 31, 2020

BagYo! na naman...

Nobyembre 1 na bukas. Sarado na mga sementeryo dahil maaga na pinapunta mga dadalaw upang maiwasan ang siksikan at sabay-sabay na pagpunta sa mismong araw ng Undas. Oktubre 31, blue moon mamya. May panibagong bagyo na namang parating at may kalakasan. Rolly ang pangalan. Yari na naman mga madadaanan nito. Baka may ilabas pa ngang Signal no. 4 pag nagkataon. Sana hindi naman. Sana humina sya pag-landfall sa kalupaan hanggang makalabas. 55 days `til Christmas na lamang tapos masasalanta pa ng bagyo. Wag naman po sana. Para medyo ma-relax ang ating kaisipan, pakinggan muna ang playlist na ito. 


      


Saturday, October 24, 2020

2 buwan na lang...

Dalawang buwan na lang, Pasko na naman at medyo lumalamig na ang simoy ng hangin. Nararamdaman na ang panimula ng Amihan. Kaya lang kapag ganitong panahon eh nakakatawid ang mga bagyo sa Pilipinas di gaya nung panahon ng Habagat. Pero syempre, ganun talaga. Di pa man sa Kapaskuhan ang focus ng iba sa mga panahong ito dahil nga sa virus na kumakalat at paparating na Undas, sa mga palabas sa TV marami na ang nagpapakita ng mga tungkol sa Pasko. Kagaya ng mga dekorasyon, mga handang pagkain at syempre mga pamaskong awitin. 




Wednesday, October 7, 2020

78 days `til Christmas 2020

 Ibang klase ang selebrasyon ng Kapaskuhan sa taong ito dahil nga sa corona virus (Covid-19) na kumalat sa buong mundo, napakarami ang limitasyon na kailangang ipairal. Maging sa mga sementeryo nitong nalalapit na Undas. Ika nga e "New Normal". Kailangan naka-face mask o/at face shield pag lalabas. May physical distancing sa ibang tao at syempre ang laging pagdi-disinfect o paghuhugas ng kamay. Bagamat dumarami pa rin ang mga kaso, karamihan din ay gumagaling (kahit wala pang bakuna). Pati ang pasok ng mga bata ay apektado dahil walang face to face class, karamihan online. Paniguradong apektado din internet connection nito. Anyway, nasa last quarter na ng 2020, sana may mangyari nang maganda sa mga susunod para matapos na ang pandemyang ito. Mga bata, stay at home muna. Panoorin n'yo ito...