Friday, December 23, 2016

Pasko Na!!! (2016)

Tapos na karamihan ng Christmas Party. Busy na ang karamihan sa last minute shopping. Yung iba nakapila pa sa mga bus station o kung saan sila sasakay sa pag-uwi sa mga lalawigan. Bilis-bilisan n'yo at paparating na ang bagyo. Panigurado Paskung-Pasko may mga uulaning lugar kaya ingat po mga kababayan. Pero syempre, ang araw pa rin ng Pasko ang kailangang ipagdiwang. Para sa mga bata at matanda. Para sa lahat. Bisperas na po. Ano ba ang handa natin dyan?


Wednesday, December 14, 2016

Ho...ho...ho.. 10 days till Christmas. Syempre magsisimula na ang Simbang Gabi (yung gabi talaga huh), December 15, at Misa de Gallo naman sa madaling-araw, December 16. Inaabangan na naman ang puto bumbong at bibingka na tinda paglabas sa simbahan o sa daan habang naglalakad na giniginaw at pipikit-pikit pa. 9 na araw na ginagawa bago mag-Pasko. Habang sa ibang lugar at inuulan na ng snow, dito sa Pinas e medyo umuulan ulan pa din naman na lalong nagbibigay lamig sa panahon. Enjoy muna natin ito mula Sa Grin Department, Simbang Gabi.