Nagsimula na ang Simbang gabi o Misa de gallo naman sa madaling araw at lalong bibilis na ang paglipas ng araw para sa pagsapit ng araw ng Pasko. Ito na ang week na magiging busy ang lahat. Mga last minute na mamimili ng panghanda, panregalo at pamporma na rin. Karamihan ng Christmas party ay mangyayari na rin this week. Yung iba, lalo yung mga nag-aaral tapos na nung nakaraang linggo para bakasyon na sa papasok na linggong ito hanggang sa pagsapit ng Bagong taon. Ang saya ng paligid. Halos kabi-kabila maraming ilaw. Hindi alintana ang mahal na singil ng kuryente. Puno ang mga mall pati yung bilihan ng mga mura. Malamig na rin ang simoy ng hangin na medyo nawala nung mga nakaraang araw. Eto, panoorin natin. Kwento tungkol sa Christmas party...
Araw-araw
Friday, December 16, 2022
Monday, December 12, 2022
13 days `til Christmas 2022
Oh ano? ilang araw na lang. Ang bilis talaga matapos ang ilang bagyo at iba pang kalamidad, mga pagtaas ng presyo ng bilihin, Parang kailan lang kasisimula ng Ber months tapos ngayon nasa huling buwan na tayo ng taon. Medyo slight lang ang Amihan nung mga nakaraan pero ngayon, unti-unti nang nararamdaman ang malamig na simoy ng hangin. Ilang tulog na lang ang 13 araw na iyan. Kahit may mga bonus na, kapos pa rin sa mga panghanda at panregalo. Hay naku... eto nood muna tayo. Twelve days of Christmas na animation. Para sa mga bata... Enjoy..
Saturday, October 8, 2022
2nd Ber Month 2022
October na agad...O ang bilis ng mga araw. Ang Habagat season at natapos na ayon sa DOST-PAGASA at papunta na sa pag-ihip ng Amihan na siyang nagdadala ng malamig na simoy ng hangin sa ganitong mga panahon. Bagama't nagtataasan ang presyo ng mga bilihin at kinukulang ang ibang supply, hindi ka naman agad makabili ng pang-noche buena ng ganito kaaga. Medyo ipon-ipon pa konti. Kadalasan nga sa last minute pa namimili. Siguro mag-decorate na muna ng Christmas tree at maglagay ng Christmas lights. Meron mga nabibili ngayon na solar powered kaya wala ka nang aalalahanin sa bayarin sa kuryente kahit wala nang tanggalan ng mga pailaw. Ilang tulog na lang talaga at sasapit na naman ang Kapaskuhan...Narito ang isang mahirap na mahanap ngayon na awitin mula kay Michael V...
Thursday, September 1, 2022
Ber Months 2022
Hohoho... 2022 na. Marami na ang lumipas. Bagong taon, Valentine, Summer, Eleksyon at marami pang iba. Naospital pa nung nakaraan buti na lang at bago magsimula ang Ber months ay nakauwi na. At eto may bagyo pa sa loob ng PAR pero sabi naman ay hindi magla-landfall. Buti na lang, sana nga. Dahil narito na ang muling paghahanda sa Kapaskuhan. Bagamat tumataas ang presyo ng mga bilihin at nagkukulang pa sa supply ang iba, September na. Ang bilis ano? Oh `eto bonus na agad para sa inyo...
Saturday, December 11, 2021
13 days na lang
It's really getting closer to the big day... Habang lumalamig ang panahon at bumababa ang kaso ng Covid-19, marami naman ang nasabik sa mga pasyalan tulad ng malls at manood na rin ng sine. Sana nga tuluyan na mawala ang pandemya. Kahit paunti-unti, at least pawala na nga sana. Para maganda ang pagdiriwang ng Kapaskuhan at Bagong Taon. 2022 paparating na. Ilang tulog na lang din.
Tuesday, November 30, 2021
25 days to go...
Eksaktong 25 araw na lamang at Pasko na ngunit sa kabila ng bumababang kaso ng mga nagpopositibo sa Covid-19 ay may nagbabadya na namang bagong variant. At hindi lang `yan, ang Mt. Pinatubo mukhang nagpaparamdam pa... Hindi naman sana.. Mahirap ang ganyan sa lalo panahon pang ito ng pandemya. Bukas Disyembre na, mas lalo lalamig ang simoy ng hangin. Ilang tulog na lang...
Tuesday, October 26, 2021
Amihan 2021
Ayun...Dineklara na ang pagpasok ng Amihan. Ang malamig na hangin na nanggagaling sa hilaga na siyang hudyat na talagang papalapit na ang Kapaskuhan at halos dalawang buwan na lang. Papalapit na rin ang Undas sa mga susunod na araw at pagkatapos nun, tuloy-tuloy na sa paghahanda sa Pasko at Bagong Taon na rin. Ang bilis talaga ng panahon, sana matapos na ang pandemya at sasapit na rin ang halalan sa susunod na taon. Pakinggan natin ito mula kay Nat King Cole, ang Christmas Song na talaga namang magpapatindig ng iyong balahibo habang pinapakinggan ito. Classic na pamaskong awitin. Pakinggan natin para ramdam mo na...