Ayun...Dineklara na ang pagpasok ng Amihan. Ang malamig na hangin na nanggagaling sa hilaga na siyang hudyat na talagang papalapit na ang Kapaskuhan at halos dalawang buwan na lang. Papalapit na rin ang Undas sa mga susunod na araw at pagkatapos nun, tuloy-tuloy na sa paghahanda sa Pasko at Bagong Taon na rin. Ang bilis talaga ng panahon, sana matapos na ang pandemya at sasapit na rin ang halalan sa susunod na taon. Pakinggan natin ito mula kay Nat King Cole, ang Christmas Song na talaga namang magpapatindig ng iyong balahibo habang pinapakinggan ito. Classic na pamaskong awitin. Pakinggan natin para ramdam mo na...
Tuesday, October 26, 2021
Wednesday, October 20, 2021
65 days 'til Christmas 2021
Ilang araw na lang talaga at sasapit na ang Kapaskuhan. Nasa 10 araw na lang ang buwan ng Oktubre tapos Nobyembre na. Bagamat pandemya pa rin at ang mga sementeryo ay isasara pa rin sa mga araw na dati ay nakabukas, ang mga dadalaw ay mapipilitang mapaaga mapunta o kaya ay paglampas na ng Undas. Malamang wala pa ring Halloween parties na gaya ng nakasanayan. May Northeasterly surface windflow nang umiihip mula sa itaas na hudyat na ng pagpasok ng hanging amihan sa mga susunod na araw na siyang magbibigay ng malamig na simoy ng hangin sa bandang gabi hanggang sumapit ang umaga. Sana maganda na rin ang Pasko ngayong 2021 sa kabila ng mga nangyari nitong mga nakaraang buwan. Pakinggan natin mula sa bandang TRAIN, Shake up, Christmas...
Friday, October 1, 2021
2nd Ber Month 2021
OctoBER na... Natapos na ang unang Ber month, ang September, at eto tayo sa panibagong buwan. Nasa 85 days 'til Christmas na lamang. Malapit na yan. Pero sa ngayon hindi pa dama ang ihip ng hanging amihan. Kailan kaya? Hindi bale, ipagpatuloy lang ang pag-decorate habang nakikinig sa playlist na ito. Mga vintage na Pamaskong Awitin. Yung iba maaring di mo pa narinig. Masarap din naman sa tenga para madama kahit papano ang papalapit na Kapaskuhan na parang umuulan ng snow sa paligid.
Subscribe to:
Posts (Atom)