Saturday, September 29, 2018

Wake me up when September ends...

So, 'yan ang theme song ngayon. Dahil patapos na ang buwan ng Setyembre at syempre sasapit na ng Oktubre, tuloy-tuloy ang paglapit ng Kapaskuhan. Pangalawang "Ber" month coming up. May nadecorate na ba kayo? Nailabas na ba ang dating christmas tree at mga palamuti nito? Ang christmas lights na talaga namang kumukutitap tuwing gabi? Ang lumang Merry Christmas Happy New Year na nilalagay sa dingding? Bungad pa lang nga ng September may mga parol nang tinitinda sa Pampanga nung minsang bumiyahe. 'Yung iba naman, dekorasyong gawa sa recycled materials ang nakadisplay. Naalala ko tuloy dati yung maliit naming christmas tree na pinapatong sa lamesa kapag magpa-Pasko. Ang saya-saya habang nilalagay ung balls saka makikintab na palamuti nito. Tapos 'yung star sa taas na dinidikit pa ng scotch tape. Anyway, 86 days 'til Christmas na lang.


Sunday, September 23, 2018

93 days na lang `til Christmas 2018

Wow naman grabe...Hindi tuloy ako nakapag-post nung 100 days na lang. Kase naman may bagyo. Pero, pero, pero...nagkaproblema na naman ang internet connection. Sept. 13 pa lang, Sept. 15 nung dumaan yung Typhoon Ompong (Mangkhut) sa Hilagang Luzon. Ilang beses tinawag sa customer service na maghihintay ka ng turn mo within 30 minutes to 1 hour. Tapos pampalubag loob lang ang sasabihin sa iyo. Waste of time di ba? Pero sa awa (awa talaga?) ng Diyos nagkaroon din. Dininig ang DaSaL. Nagawa after 8 days. Mas ok yung huling nakausap na customer service na nag schedule ng visit sa technical team nila. Kaya ngayon, eto na naman tayo... 93 days na nga lang. Biruin mo yun...Eto para sa inyo, ang ganda pagkagawa ng user ng video. Animation tapos background ang ilang awiting Pamaskong Pinoy.. Kaya sumabay na sa pagkanta at i-enjoy ang video na ito habang papalapit na ang Pasko.




Saturday, September 8, 2018

107 days na lang...

Patuloy ang paglipas ng mga araw at lumalapit sa engrandeng araw, Pasko. May bagyo na naman papalapit at maaaring manalanta sa susunod na linggo. Sa pagitan ng Northern Luzon at Taiwan ang daan nito na ang international name ay Mangkhut. Maaari pa umanong maging Super Typhoon ito kaya dapat ay maging handa ang bawat isa. Sana di na gaano manalanta ang mga kalamidad para sa paghahanda rin ng karamihan sa Kapaskuhan na 107 days na lang ay sasapit na. Handa ka na ba?
Party-party na...