Wednesday, November 29, 2017

Katapusan Na...

Ayun, katapusan na nga. A-30 na ng Nobyembre at syempre, Bonifacio Day. At dahil dyan, 25 days na lang Pasko na. Nakakatuwang makita sa telebisyon kapag may mga Christmas Village o karnabal na pinapakita. Ang sarap talagang bumalik sa pagkabata. Mangolekta ng mga laruan tapos gagawa ng bahay-bahayan na aliliit na may ilaw sa loob. `Eto pambata, 12 days of Christmas. Nagsisimula pala ito ng December 25 hanggang January 5.



Friday, November 24, 2017

Isang Buwan na Lang!!!

Oh... kumusta na kayo? Eksaktong isang buwan na lang at Pasko na. Buo na naman ang pamilya at barkada. Pagpatak pa lang ng Disyembre, ayan na ang kabi-kabilang namimili (sa mga may maagang pambili). Mga laruan at panghanda. Mga bagong damit at accessories pang party-party. Ilang linggo na lang ang pasok nito. Christmas party, get-together at mga reunion din ang karaniwang kaganapan dito. Naku lalo pag nagsimula na ang Simbang Gabi o Misa de Gallo. Ang pinakaaabangang puto-bumbong at bibingka. Mga ilaw na nagpapasigla at nagpapaganda ng tanawin lalo pag gabi. Ang malamig na simoy ng hangin na ramdam mo kahit nakapikit ang mga mata. Ah...Pasko na talaga..May kakaibang nararamdaman kapag sumasapit ang araw na ito lalo kung maaalala ang kabataan. Ganun talaga, eh kase Pasko...


Saturday, November 4, 2017

It's 50 days `til Christmas 2017

Wow!...50 days na lang ang hinihintay. Ano? Excited na ba kayo? Umiihip na ang amihan na nagpapalamig ng simoy ng hangin. September pa ang huli kong post at eto tapos na rin ang Undas. Marami nang mga bargain at sale lalo yung para sa mga bata. Mga laruan, damit at iba pang mabibili ng mura. Kung medyo kapos e talagang dito ka mamimili. Kung hindi naman, panigurado mga gadget at iba pang hitech na gamit ang bibilhin. Lalo yung mga nag-aabang sa ibibigay ni Santa Claus. Pero teka, may naniniwala pa ba o gumagawa ngayon sa nakagawiang pagsasabit ng medyas tuwing bisperas ng Pasko? Syempre ang mahalaga din ay malaman ang tunay na diwa ng Pasko. Eto pakinggan natin ang Tunay na Diwa ng Pasko mula kay Yoyoy Villame...