Saturday, October 31, 2015

November 1, 2015

Nobyembe na. 54 days `til Christmas at patuloy na lumalamig ang simoy ng hangin. At sa unang araw nito, ipinagdiriwang ang Todos Los Santos o All Saints' Day. Pero kahit na Nob. 2 pa ito ay ito na rin ang ipinagdiriwang na Undas o Araw ng mga Patay (Piyesta ng Patay pa nga sa ilan). Panahon na nagkikita-kita ang ilang magkamag-anak na matagal ding hindi nagkita. Isang panahon na sinasamantala ng ilan na magbakasyon bukod sa Holy Week, Pasko at Bagong Taon. Naging kaugalian na rin na kapag sumasapit ang panahong ito ay uso ang mga kwentong kababalaghan at maging pagsuot ng costume o maskara na nakakatakot pati na rin Halloween Parties. Pero syempre pagkatapos nito ay siguradong sa darating Kapaskuhan na ang paghahandaan lalo at mahigit 1 buwan pa naman para makapag unti-unti sa mga pangregalo at panghanda kung meron nang pambili kahit papano. Eto muna mula kay Frank Sinatra, I'll Be Home For Christmas...





Sunday, October 11, 2015

It's 75 days `til Christmas (2015)

Well, ambilis talaga ng panahon, 75 days na lang and counting. Medyo malamig na ang simoy ng hangin dahil umiihip na ang Amihan. Di nakapag-post masyado due to health problems pero eto ulit, may bagong post sa Araw-araw Pasko. Last quarter na ng taon at busy na ang ilan dahil filing of candidacy na from Oct. 12-16, 2015. Siguradong sagana ang Pasko ng karamihan nito kase mag-eeleksyon na naman. Eto, bagong Christmas Medleys ngayong 2015, based sa mga paborito n'yong Rnb at Pop songs na sumikat this year. Check it out...