Wednesday, December 24, 2014

Pasko na!

Well, ano na ngayon? Sumapit na rin December 25 ngayong 2014. Bagamat puno ng mga pagsubok ay nakakaraos pa rin. May handang kaunti sa noche buena basta sama-sama. ok na yun. Marami rin naman handa sa kapitbahay, makikain na lang. Kabi-kabila mga nakikita mong naglalakad na may mga kasamang bata. Namamasko sa mga ninong at ninang. Hanggang kagabi na lang mga nangangaroling pero may iba naman ngayong araw nagbabahay-bahay.Naalala ko nung bata pa, mga special edition ang mgha komiks nun pag ganitong Pasko at Bagong Taon. Sarap basahin ng paulit-ulit.

At eto pa, ang famous line na naalala ko sa Christmas play namin way back 1998, "Christmas time na naman. Buo na naman ang barkada..." #EhKasiPasko




Saturday, December 20, 2014

5 araw na lang

Wow...ito na! Talagang ilang tulog na lang. Nagsimula na ang Simbang Gabi o Misa de Gallo. Mas lalo pang lumamig ang simoy ng hangin. Kabi-kabila na ang namimili ng panregalo at panghanda. (Naku, buti pa sila...) Salamat na lamang at wala nang mga sama ng panahon na papalapit. Sana nga kung meron man ay malusaw na kaagad. Mainit na tsokolate o kape ang sasalubong naman sa mga nagsisimba kasama ang puto bumbong at bibingka. Di man umuulan ng snow dito sana ay umulan na lang ng pera...waah.. Para lahat meron at masaya sa Pagsapit ng Pasko..

Thursday, December 4, 2014

20 days `til Christmas

Ilang araw na lang po at Pasko na talaga. Excited na ang karamihan, marami nang nagbibilihan. Ngunit nakakalungkot sa kabila ng mga paghahanda para sa okasyon ay may nakaamba pang panganaib na maaaring sumira sa mga magagandang plano para sa Kapaskuhan at Bagong Taon na rin. Isang bagyo na naman, hindi lang basta bagyo kundi superbagyo, ang maaaring manalasa sa Kabisayaaan na maedyo kapareho ng tinahak ng Bagyong Yolanda noon. Kung matatandaan noong isang taon, buwan ng Nobyembre 2013 nang manalasa ng Super Typhoon Yolanda (Haiyan) at ngayon naman 2014 ay Super Typhoon Ruby (Hagupit). Kung titingnan e parehas na letter H ang simula ng kanilang international names. Well, sa mga oras na ito ay papalapit pa lang ang ST Ruby sa bandang Samar at sa tingin ko ay wala nang tsansa na lumihis pa ng landas na hindi sana tatama sa lupa. Lumakas at bumagal. Inaasahang Dec. 06 pa ng gabi ang landfall. Ang lahat ay nag-aabang kung ano maaaring mangyari. Sana maging handa ang lahat para kung anu't ano man ay makaligtas sa pinsalang idudulot nito. Isang mapaghimalang kamay lang ang kailangan upang humupa ang sama ng panahon.