Friday, August 31, 2018

It's September 1 (2018), Ber na Ber na...

Well, 2018 at eto na naman po tayo. Naging busy sa mga gawain. Di na nadagdagan ang post nung 2017 kase kung kelan magpa-Pasko saka nawalan connection. Lumipas ang Bagong Taon, Valentine, Summer Vacation at Back-to-School. Maraming bagyo ang lumampas at hindi nag-landfall pero nagpaulan ang Habagat. At eto na, eto na, eto na!!! Ber na naman. Ay naku, ang bilis talaga ng araw. Biruin mo yun, parang kelan lang talaga. Nagkataon Sabado pa ang Sept. 1, hahagilapin mo na mga plaka, cd at tape na pamasko. Dahil sa loob ng 4 na buwan eh ito ang magiging laman ng playlist mo bukod sa mga bagong uso pang kanta. Lalo mga naka-mp3 dyan. Ang sarap ng Paskong Pinoy kapag ganitong pagkakataon. Malamig na simoy ng hangin kasabay mga Pamaskong Awitin, bibingka at puto-bumbong na lang kulang.