Wednesday, November 25, 2020

30 Days `til Christmas

Oh yes! It's a month to go till Christmas at talagang di na mapigilan. Malamig ang simoy ng hangin na talaga namang nagpapahiwatig na malapit na. Lumakas pa ang Amihan at hanggang sa pagpasok ng Disyembre e ganyan. Kung nasa lugar lang na umuulan ng snow, malamang may snow na pag ganito (imagination lang...). Kaya't para maramdaman nang tuluyan ang Kapaskuhan, pakinggan natin mga awiting pamasko na classical mula kay Johnny Mathis...






Monday, November 23, 2020

32 days `til Christmas 2020

 Yes, Yes, Yo! It's 32 days to go. Halos isang buwan na lang sasapit na ang Kapaskuhan. Wala na sanang humabol pa na bagyo. Kawawa naman yung mga nasalanta at di pa nakakabangon sa trahedya. Paano na mag-stay at home kung nasira ang bahay ng kalamidad. Lumakas na nga ang ihip ng amihan matapos yung ilang bagyo na nagpapalamig sa gabi hanggang umaga bago sumikat ang araw. Nakalagay na ba ang mga dekorasyong pampasko? Mga christmas light, christmas tree at iba pang mga nilalagay kung magpapasko. Syempre di mawawala ang parol nyan. At meron na ring mga level up na paborito kagaya ng bibingka at puto bumbong. Sana nga Araw-araw Pasko...