Thursday, December 31, 2015

Goodbye 2015, Welcome 2016...

2015 is about to end. Ilang oras na lang at magpapalit na ng taon. Ano kaya ang naghihintay na naman sa 2016 bukod sa eleksyon? Sana e maganda na. Maiwan na sa 2015 ang mga karamdaman at di magandang nangyari. Pakinggan natin ang Siakol mula sa Christmas album nilang Karoling, Bagong Taon na naman...


Thursday, December 24, 2015

It's Christmas Day 2015

Ito na ang pinakahihintay na araw ngayong 2015 bukod sa inyong birthday, syempre pagdiriwang sa kaarawan ng ating Tagapagligtas. Hindi nga iyon ang eksakto pero at least naaalala kaya wala naman siguro problema. Natapat pa na ang kabilugan ng buwan ay December 25. At kasunod naman nito ang pagsalubong naman sa Bagong Taon, 2016, sa kasunod na linggo. At dahil hindi sabay-sabay ang pagsapit ng December 25, eto muna ang awitin mula kay Sheena Easton, It's Christmas All over The World.


Monday, December 14, 2015

10 days `til Christmas 2015

Ilang araw na lang talaga at sasapit na muli ang Kapaskuhan. Yun nga lang sa may sama ng panahon pa na nananalasa sa gitnang bahagi ng Pilipinas na tinawag na Nona (nung una'y Nonoy ang pangalan sabi ng PAGASA kung papasok sa Philippine Area of Responsibility ang bagyo). December 15 na at magsisimula na mamya ang Simbang Gabi, Misa de Gallo naman sa madaling araw. Ito ang hudyat na talagang malapit na ang Pasko at dapat magalak ang lahat.