Ito na nga...pumasok na ang buwan ng Disyembre at isang linggo na ang nakalipas. Sa susunod na linggo magsisimula na ang nakasanayang Simbang Gabi o Misa de Gallo. Pag nagsimula na yun, lalong bibilis ang takbo ng araw tungo sa Kapaskuhan. Yun nga lang, iba ang pagdiriwang sa taong ito. Siguro kung may pagtitipon, yung kayu-kayo lang dahil nga bawal pa kase meron pang pandemya. Ultimo karoling at Christmas party, bawal. Yung iba n'yan online na lang lalo yung Simbang gabi o kaya yung pinapalabas sa TV. Bagamat medyo maluwag na, kailangan pa rin mag-ingat para ligtas hanggang sumapit ang 2021. Kaya goodluck sa atin, sa pag-celebrate ng Kapaskuhan sa taong ito. Sana next year hindi na ganito. Bumalik na yung dating sigla sa paligid na nagpapasaya ng damdamin.
No comments:
Post a Comment