Sampung araw na lang at sasapit na ang Pasko...Ayos ba tayo dyan? Magsisimula na ang tradisyunal na Simbang Gabi at Misa de Gallo. Yung Simbang Gabi mamya parang sa 6:00pm pa lang magsisimula na tapos yung Misa de Gallo naman sa madaling araw parang nasa 5:30am. Pero depende rin siguro sa pagsisimbahan. Kung dati meron sa TV ng misa, ngayon may online stream na rin para sa mga nasa tahanan lamang. Iba talaga nagawa ng pandemyang ito. Next year sana wala nang pandemya. Kahit unti-unti ang pagbalik sa dati ng lahat. Walang muna sanang mapaminsalang kalamidad gaya ng bagyo at lindol na guguho sa mga pangarap ng bawat isa. Para happy ang lahat sa 2021. Pakinggan natin yung madalas pang-background na instrumental ng mga awiting pamasko. Meron ding non-stop version nito na narinig ko dati.
No comments:
Post a Comment