Hello sa lahat... Naku ang bilis ng mga araw. Ganun-ganon lang eto Agosto na. Oh ghost month...Kundi ba naman sa epekto ng pandemya na kumalat halos sa buong mundo, hindi magkakaganito. Sa isang buwan, `ber months na. Imbes masigla sana ang kapaligiran sa mga ganung panahon, nakaamba ang panganib at kailangan sumabay sa "new normal" na tinatawag. Grabe ang 2020 na ito. Akala ko nun year-end na wala lang internet problema pero may mas malala pa na dumating. Sana matapos na ito at may matuklasan nang gamot para mapigilan ang pagkalat at magpagaling sa mga nagpositibo. Si Jose Mari Chan nagpapakita na sa mga post sa social media. Pahiwatig na malapit na naman sumapit ang Pasko. Pakinggan natin ang Sana sa Pasko ng April Boys.
No comments:
Post a Comment