Saturday, November 10, 2018
It's 44 days to go `til Christmas 2018
Yes! Kumusta na mga bata? Tapos na ang Undas, ang mga halloween party at trick or treat. Lumipas na rin yung bagyo na dumaan nung mga huling araw ng Oktubre. Patuloy ang paglamig ng simoy ng hangin sa gabi at madaling araw. Mahigit isang buwan na lang at sasapit na ang Kapaskuhan. Marami nang tindang laruan na talaga namang pinagkakaguluhan at iniiyakan ng mga bata lalo kapag hindi nabili. Nandyan pa rin syempre ang mga kadalasang hanap ng mga bata gaya ng baril-barilan, kotse-kotsehan, mga robot, manika at iba pa. Excited na talaga ang lahat sa pagsapit ng Pasko. Lalo pag pumasok na ang buwan ng Disyembre, hindi na magkanda-ugaga. Pagkatapos ng Christmas party, bakasyon na. Simbang gabi at misa de gallo ang inaabangan hanggang sa sumapit ang mismong araw. Mabenta rin ang bibingka at puto bumbong. Kabi-kabilang ang handaan at mga regalong binibigay. Tunay na ang Pasko ay napakasaya kasabay ng pag-awit ng mga nangangaroling sa bahay-bahay.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment