Friday, December 15, 2017
9 days to go...
Ayun sumapit na ang simula ng Simbang Gabi (kagabi 15) at Misa de Gallo (16 ng madaling-araw). Saktong-sakto kase nitong week e nagsimula na talaga ang malamig na simoy ng hangin na inaabangan natin. Kasabay ng mga magagandang palamuti simula sa christmas tree, parol, christmas lights hanggang mga awiting pamasko, ang karoling maririnig na rin. Hudyat na talaga ng nalalapit na Kapaskuhan. 9 days to go na lang. Are you ready na? Ready na ba ang pang-noche buena at mga regalo? Bagamat may sama pa ng panahon sa gitnang Pilipinas na nagpapaulan dun banda, eto rin siguro nagpapalakas ng hanging amihan na nagpapalamig sa atin. Sana ay malusaw na lamang yun para maging maganda rin ang Pasko ng mga kababayan dun. Sa mga magsisiba naman uli sa madaling araw, ang inyong alarm: kampana ng simbahan. Kaya't magsigising na...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment