Saturday, September 16, 2017

99 days na lang...

Hohoho...It's 99 days `til Christmas. Ang bilis talaga no? Kahapon lang 100 pero eto na nabawasan ng isa. Ilang tulog na lang yan. Ano nga ba ang naghihintay sa 99 na araw bago muling ipagdiwang ang kaarawan ng Tagapagligtas? Kumusta na mga bata? Ano ba ang inyong gustong matanggap ngayong Kapaskuhan? Maalala ko pa dati ang pagsasabit ng medyas sa pinto tuwing Dec. 24. Magkakasya kaya dun ang mga ibibigay ni Santa Claus? Kaya lang madalas mga pagkain lang naman ang laman. Tapos kapag 25 na, pagkasimba ay nakaabang na sa labas ng bahay yung ibang mga bata at hinihintay dumaan ang kanilang mga Ninong at Ninang. Maswerte na kung may 20 o 50 pesos na malutong na ibibigay noon. Lalo pa pag 50 o 100 pesos. Palakihan pa nga ng mga natanggap ang mga bata. Tapos kinahapunan o kinabukasan, kanya-kanyang bili ng laruan. Madalas e baril-barilan o kaya mga sikat na cartoon character nung araw kagaya ng Transformers o G.I. Joe. Ay naku, ang sarap balikan ang pagkabata na parang ambilis lang dumaan. At dahil pumasok na nga ang Ber months, isa sa inaabangan syempre si Jose Mari Chan. Siguradong bebenta na naman ang kanyang mga Christmas album kagaya ng Christmas In Our Hearts saka Going Home To Christmas.


No comments:

Post a Comment