Ho...ho...ho.. 10 days till Christmas. Syempre magsisimula na ang Simbang Gabi (yung gabi talaga huh), December 15, at Misa de Gallo naman sa madaling-araw, December 16. Inaabangan na naman ang puto bumbong at bibingka na tinda paglabas sa simbahan o sa daan habang naglalakad na giniginaw at pipikit-pikit pa. 9 na araw na ginagawa bago mag-Pasko. Habang sa ibang lugar at inuulan na ng snow, dito sa Pinas e medyo umuulan ulan pa din naman na lalong nagbibigay lamig sa panahon. Enjoy muna natin ito mula Sa Grin Department, Simbang Gabi.
No comments:
Post a Comment