Nobyembe na. 54 days `til Christmas at patuloy na lumalamig ang simoy ng hangin. At sa unang araw nito, ipinagdiriwang ang Todos Los Santos o All Saints' Day. Pero kahit na Nob. 2 pa ito ay ito na rin ang ipinagdiriwang na Undas o Araw ng mga Patay (Piyesta ng Patay pa nga sa ilan). Panahon na nagkikita-kita ang ilang magkamag-anak na matagal ding hindi nagkita. Isang panahon na sinasamantala ng ilan na magbakasyon bukod sa Holy Week, Pasko at Bagong Taon. Naging kaugalian na rin na kapag sumasapit ang panahong ito ay uso ang mga kwentong kababalaghan at maging pagsuot ng costume o maskara na nakakatakot pati na rin Halloween Parties. Pero syempre pagkatapos nito ay siguradong sa darating Kapaskuhan na ang paghahandaan lalo at mahigit 1 buwan pa naman para makapag unti-unti sa mga pangregalo at panghanda kung meron nang pambili kahit papano. Eto muna mula kay Frank Sinatra, I'll Be Home For Christmas...
No comments:
Post a Comment