Ilang araw na lang po at Pasko na talaga. Excited na ang karamihan, marami nang nagbibilihan. Ngunit nakakalungkot sa kabila ng mga paghahanda para sa okasyon ay may nakaamba pang panganaib na maaaring sumira sa mga magagandang plano para sa Kapaskuhan at Bagong Taon na rin. Isang bagyo na naman, hindi lang basta bagyo kundi superbagyo, ang maaaring manalasa sa Kabisayaaan na maedyo kapareho ng tinahak ng Bagyong Yolanda noon. Kung matatandaan noong isang taon, buwan ng Nobyembre 2013 nang manalasa ng Super Typhoon Yolanda (Haiyan) at ngayon naman 2014 ay Super Typhoon Ruby (Hagupit). Kung titingnan e parehas na letter H ang simula ng kanilang international names. Well, sa mga oras na ito ay papalapit pa lang ang ST Ruby sa bandang Samar at sa tingin ko ay wala nang tsansa na lumihis pa ng landas na hindi sana tatama sa lupa. Lumakas at bumagal. Inaasahang Dec. 06 pa ng gabi ang landfall. Ang lahat ay nag-aabang kung ano maaaring mangyari. Sana maging handa ang lahat para kung anu't ano man ay makaligtas sa pinsalang idudulot nito. Isang mapaghimalang kamay lang ang kailangan upang humupa ang sama ng panahon.
No comments:
Post a Comment